Warranty Information

  1. Seven (7) days replacement from date of purchase. Kasama ang proof of purchase, dalhin ang ABS-CBN TVplus Go at kumpletong packaging sa iyong tindahan na pinagbilhan.
  2. Three (3) months repair from date of purchase. Kasama ang proof of purchase, dalhin ang ABS-CBN TVplus Go sa mga Solid Service Centers.
  3. For antenna, fourteen (14) days replacement from date of purchase. Kasama ang proof of purchase, dalhin ang antenna sa mga Solid Service Centers.

Frequently Asked Questions (FAQs)

Android smartphone ang mayroon ako. Magagamit ko pa rin ba ang TVplus Go?

Sorry, Kapamilya. Kapag kulang ang iyong minimum system requirements, hindi mo magagamit sa iyong Android smartphone ang TVplus Go. Para magamit ito, siguraduhin na ang lahat ng minimum system requirements ay available sa iyong Android smartphone.

Ano ang TVplus Go?

Ang TVplus Go ay isang digital TV broadcast receiver na ikinakabit sa compatible Android phones. Gamit ang TVplus Go stick paired with the TVplus Go Android app, ang iyong Android phone ay TV na rin. Makakapanood ka na ng paborito mong Kapamilya shows and exclusive TVplus channels outdoors nang walang internet connection na kailangan habang nanonood.

Ano ang minimum system requirements para magamit ang TVplus Go sa aking Android smartphone?

Ang mga sumusunod ay ang mga minimum system requirements para magamit ang ABS-CBN TVplus Go: a. Micro USB port (or Type-C phones na kunektado sa micro-USB adapter with data support); b. USB-OTG android device; c. Android 5.0 operating system or higher; d. 1GB RAM or higher, at; e. Dual-Core Processor or higher

Saan pwedeng gamitin ang TVplus Go?

Ang TVplus Go ay available sa mga lugar kung saan available ang digital TV broadcast ng ABS-CBN. Unti-unti po naming kinukumpleto ang full distribution ng TVplus Go sa lahat ng areas with TVplus signal coverage. Ngayon, available na ang TVplus Go sa mga retail outlets nationwide! I-follow ang TVplus Go facebook page sa www.facebook.com/tvplusgo for updates.

Kailan magiging available sa ibang areas ang TVplus Go?

Please wait for the announcements on signal availability ng TVplus Go sa ibang areas kapag ito ay available na. I-follow ang TVplus Go Facebook page sa www.facebook.com/tvplusgo for updates.

Saan makakabili ng TVplus Go?

Ang TVplus Go ay mabibili nationwide sa: SM Mall Information Booths, SM Dept. Store (Bills Payment), SM Dept. Store (Gadget Section), SM Supermarket, SM Supermarket (Bills Payment), SM Savemore, SM Hypermarket, SM Appliance Center, Abensons, All Home, Aerophone, Anson, Asianic, Automatic Center, Cellboy, DIY, Electronics Boutique, FC Home, FoneRange, Fonetwist, Guanzon, Handyman, Home Along, Memo Xpress, Mobilizer, Octagon, PC Xpress, Puregold, Robinsons Appliances, Rulls, Silicon Valley

Paano kung hindi kumpleto ang minimum system requirements ng aking Android smartphone, magagamit ko pa rin ba ang TVplus Go?

Kapag kulang ang iyong minimum system requirements, hindi mo magagamit sa iyong Android smartphone ang TVplus Go. Para magamit ito, siguraduhin na ang lahat ng minimum system reuquirements ay available sa iyong Android smartphone.

Kumpleto ang minimum system requirements sa aking Android smartphone, pero ang aking Android smartphone ay may USB Type-C slot. Maaari ko pa rin ba itong magamit sa TVplus Go?

Kung kumpleto naman ang minimum system requirements ng iyong Android smartphone, maaari mo pa rin magamit ang TVplus Go. Kailangan mo lang gumamit ng adapter na USB Type-C to Micro USB para mapagana ang TVplus Go sa iyong Android smartphone.

Nakalagay na maraming iba’t ibang channels ang mapapanood sa TVplus Go, agad-agad ko bang mapapanood ang mga channels na ito?

Ang mga free TV channels ay mapapanood mo agad-agad sa TVplus Go app gamit ang iyong TVplus Go stick. Para mapanood ang exclusive TVplus channels gaya ng Cinemo, Yey, at DZMM Teleradyo, kailangan lang mag-register sa TVplus Go app.

Anong mangyayari kung gagamitin ko ang TVplus Go sa lugar na wala sa mga listahan ng mga available areas? Magagamit ko ba ito?

Ang TVplus Go ay magagamit lamang sa mga lugar na nasa listahan ng available TVplus Go areas. Hindi ito makakasagap ng signal sa lugar na walang TVplus signal availability kaya hindi ito gagana. Maiging alamin muna kung may ABS-CBN TVplus signal sa iyong lugar bago gamitin ang ABS-CBN TVplus Go.

Kailangan ko ba ng internet connection para manood sa TVplus Go?

Hindi po kailangan ng internet ang panonood sa TVplus Go. Kailangan lang ng internet para i-download ang TVplus Go app mula sa Google Play Store at sa pag-register to gain access to exclusive TVplus channels.

Ako ay nasa area na naka-listang available ang TVplus Go. Bakit hindi ako nakakatanggap ng signal?

Ang iyong TVplus Go ay gumagamit ng digital TV broadcast para makapnood ng digital TV channels. Ang iyong antenna ang sumasagap ng digital TV signal. Ang mga posibleng obstructions o harang sa iyong antenna tulad ng mga pader, tunnel, basement, bubong, at iba pa ay maaaring maka-apekto sa signal na iyong nakukuha. Siguraduhin na ang iyong antenna ay hindi nahaharangan o natatakpan. Ini-rerekomenda na ang TVplus Go ay gamitin sa labas para sa mas maayos na signal.

Bakit mayroong channels na aking napapanood sa isang lugar pero hindi ko mapanood sa ibang lugar?

Ang digital TV broadcast ng bawat channel ay maaaring mag-iba kahit ikaw ay nasa iisang lugar. Ang digital broadcast ng bawat channel ay kontrolado ng channel na nagbo-broadcast nito, at hindi ito kontrolado ng TVplus Go.

Gaano kalakas ang battery consumption ng TVplus Go?

Ang paggamit ng TVplus Go ay gumagamit ng 2 hours of battery life for every 1000mAh of battery. Kung ang battery ng iyong smartphone ay 3,000 mAh, maaari mo ng magamit ang TVplus Go nang tuluy-tuloy for 6 hours. Subalit, ang iba’t-ibang smartphone ay may iba’t-ibang battery performance din.

Bakit ko kailangan mag-register sa TVplus Go app?

Kailangan ng registration para magamit mo ang iyong access sa exclusive TVplus channels gaya ng Cinemo, DZMM Teleradyo, at Yey. Ito ay hindi required kaya kung ikaw ay hindi magre-register, mapapanood mo pa rin ang free TV channels.

Kung isang Android smartphone lang ang pwedeng ko i-register sa TVplus Go, ibig bang sabihin nito ay hindi ko na ito maaaring magamit sa ibang Android smartphone?

Maaari mo pa rin magamit ang iyong TVplus Go sa ibang Android smartphone kahit registered na ito. Makaka-enjoy ka ng free TV channels sa ibang Android smartphone—ang registered smartphone lang ang makaka-enjoy ng exclusive TVplus channels.

Paano kung gusto ko rin ng exclusive TVplus channels sa iba pang android smartphone? Pwede ba ito?

Maaari pa ring makakuha ng access sa exclusive TVplus channels para sa ibang Android smartphone kahit naipa-register na ang iyong TVplus Go sa una mong smartphone. Para makapag-register sa ibang smartphone, mayroon itong 20 pesos na registration fee. Sa pag-install ng TVplus Go app sa iyong pangalawang Android smartphone, i-tap ang REGISTER FOR 20 PHP button at sundin ang instructions.

Pinili ko ang DO IT LATER button sa pag-install ng TVplus Go app sa aking phone. Pwede pa ba akong mag-register after?

Oo, pwede ka pa namang mag-register kahit hindi mo pinili ang registration sa first installation ng TVplus Go app. Habang nanonood with TVplus Go, marahang i-tap ang screen para lumabas ang display functions. Piliin ang SETTINGS icon na nasa top-right corner ng screen at hanapin ang REGISTER button. Kailangan connected ka sa internet para mag-register.

Bakit nawawala-wala ang signal ng aking TVplus Go?

Ang iyong TVplus Go ay gumagamit ng digital TV broadcast para makapanood ng digital TV channels. Ang iyong antenna ang sumasagap ng digital TV signal. Ang mga posibleng obstructions o harang sa iyong antenna tulad ng mga pader, tunnel, basement, bubong, at iba pa ay maaaring maapektuhan ang signal na iyong nakukuha. Siguraduhin na ang iyong antenna ay hindi nahaharangan o natatakpan. Ini-rerekomenda na ang TVplus Go ay gamitin sa labas para sa mas maayos na signal.

Bakit hindi ko nakukuha ang mga channel na hindi ABS-CBN?

Ang ABS-CBN TVplus ay digital signal receiver lamang at walang kakayahang humarang o pumigil ng mga digital signal na maaaring ma-detect nito. Ang digital signal ng bawat channel ay kontrolado ng mga kani-kaniyang broadcasting network na nagpapalabas nito. Kaya naman sa mga pagkakataong matigil ang digital broadcast o signal ng anumang brodkaster, ang ABS-CBN TVplus Go ay walang masasagap na signal at walang maipapalabas.

Mayroon akong TVplus box at TVplus Go, bakit walang signal ang TVplus Go ko kahit ito ay nasa parehong lugar kung nasaan ang aking TVplus box?

Ang TVplus Go ay isang on-the-go device na mas magagamit ng mabuti while outdoor. Ang iyong antenna ang sumasagap ng digital TV signal. Ang mga posibleng obstructions o harang sa iyong antenna tulad ng mga pader, tunnel, basement, bubong, at iba pa ay maaaring maka-apekto sa signal na iyong nakukuha. Siguraduhin na ang iyong antenna ay hindi nahaharangan o natatakpan.

USB OTG naman ang aking smartphone, bakit wala ito sa inyong listahan ng USB OTG compatible devices?

Ang aming listahan ng compatible USB OTG devices ay patuloy naming ina-update para masama ang lahat ng available models na may USB OTG functionality. Kung na-meet naman ng iyong Android phone ang ibang minimum system requirements, magagamit mo ang ABS-CBN TVplus Go.

Umiinit ang aking Android smartphone habang gamit ko ang TVplus Go. Normal ba ito?

Katulad ng ibang app, ang paggamit ng iyong Android phone nang matagal o tuloy-tuloy ay normal na magdudulot ng pag-init ng iyong Android phone. Maaaring itigil pansamantala ang pag-gamit ng TVplus Go kung hindi kayo kumportable sa pag-init ng iyong Android phone.

Mabilis na nauubos ang aking battery habang gamit ko ang TVplus Go. Normal ba ito?

Ang pag-gamit ng iyong Android phone with video and audio ng matagal ay normal na mag-coconsume ng battery. Siguraduhin din na ang battery ng iyong Android phone ay maayos pang nagagamit. Ang pagkakaroon ng madaming background apps ay maaari ding sanhi ng mabilis na pag-konsumo ng battery ng iyong Android phone.

Pwede ko bang gamitin ang ABS-CBN TVplus Go sa loob ng bahay?

Ang ABS-CBN TVplus Go ay mas mainam na gamitin sa mga areas within TVplus signal coverage, kung saan pwedeng gamitin ito sa labas ng bahay o sa mga areas na walang posibleng signal obstructions gaya ng bubong, pader, ceiling, at basement.

Paano ko ida-download ang TVplus Go app?

Para ma-download ang TVplus Go app, siguraduhin ang mga sumusunod: 1.) May sapat na memory ang iyong Android phone para ma-download ang app. Ang TVplus Go app ay hindi lalampas sa 50MB; 2.) Ang iyong Android phone ay connected sa isang stable internet connection through WiFi or mobile data, at; 3.) Ang iyong ginagamit na Android phone ay may kumpletong minimum system requirements para mapagana ang TVplus Go.

Kailan magkakaroon ng KBO channel ang TVplus Go?

Sa ngayon ay hindi pa available ang KBO on TVplus Go. Follow our Facebook page and this website for updates on availability of KBO on TVplus Go.

Maaari ko bang magamit sa iOS devices ang TVplus Go?

Sa ngayon ay hindi pa available ang TVplus Go sa iOS Devices. Follow our Facebook page and this website for updates on its future availability.

Bakit hindi ito magamit sa mga iOS devices?

Ang TVplus Go ay kailangan i-connect sa micro USB port ng Android smartphone. Ito rin ay gumagana gamit ang isang app na available pa lamang sa Google Play Store. Follow our Facebook page and this website para malaman ang updates about TVplus Go.

Ano ang pagkakaiba ng TVplus at TVplus Go?

Ang TVplus box ay isang device na kinakabit sa mga TV para makapanood ng digital TV. Ang TVplus Go naman ay ikinakabit sa Android phone para makapanood ng digital TV sa iyong Android phone.

Ano ang pagkakaiba ng iWant App sa ABS-CBN TVPlus Go?

Makakapanood ka ng ABS-CBN shows and movies sa iWant app through video streaming gamit ang internet connection. Ang mga mapapanood mo dito ay on-demand shows. Maaari mong piliin kung ano ang gusto mong panoorin sa iWant kahit anong oras. Sa TVplus Go, makakapanood ka naman ng TV shows sa TVplus Go app kung ikaw ay may TVplus Go stick na nakaka-receive ng digital TV broadcast. Ang TVplus Go ay live TV, at hindi kailangan ng internet para makapanood.

Bakit may registration fee kapag nag register ako sa additional phone?

Ang bawat TVplus Go ay mayroong isang libreng access key na nagbibigay ng access to exclusive channels. Kapag ini-register mo ang TVplus Go sa isang Android phone, mapapanood mo na ang mga exclusive channels dahil sa access key na ito. Kaya kung ire-register mo ulit ang iyong ABS-CBN TVplus Go sa ibang Android phone, magkakaroon ito ng 20 pesos na registration fee para sa bagong access key para ma-enjoy ang exclusive channels sa iyong panibagong Android phone.

Hindi naman rooted ang aking Android phone, pero sinasabi ng TVplus Go app na rooted ito at hindi ko magamit ang aking TVplus Go. Bakit ganoon?

Ang mga Android phones na hindi nabili sa official phone distributors and manufacturer stores within the Philippines ay maaaring ma-identify as rooted. For example, ang isang Android phone na binili sa China at ginamit sa Pilipinas ay maaaring magkaron ng issues sa pag-function with TVplus Go.